entries links
credits links tagboard
archives me & etc
links
Thursday, May 11, 2006

Nakakainis talaga... Kahapon di ako nakapag-review para sa UPCAT simulation sa Sunday... Nanghihinayang tuloy ako sa nasayang na oras... Pero kasalanan ko rin naman... Di ko na kontrol ang sarili ko sa paggamit ng Computer... Buong araw eh naglaro lang ako ng computer games (DotA at The Sims)... Nakakaaliw kasi at di ko namamalayan na lumilipas na pala ang oras... Pero di lang un ang ginawa ko nanood din ako ng Television Programs hanggang alas dos ng madaling araw...

Pero di pa rin dun natapos ayaw pa rin ako patulugin ng utak ko...! Gising na gising samantala ung katawan ko eh gustong gusto nang matulog... At dahil dun mga alas tres na ko nakatulog sa pagkakatanda ko... Expected ko na pag ganoong oras ako natutulog gising ko eh tanghali na as lunch na... Pero damn talaga...! nagising ako ng 9:00 am... Six hours lang tulog ko...!

Pero kahit anong gawin kong pilit di na ko makatulog ulit...!! Kaya naman naisipan ko na simulan na ang pag-aaral ko... Nagbasabasa ako ng mga modules na galing sa review center... Tapos nun nag-lunch na ko at sinagutan naman ung mga math questionaires... May nasasagot naman ako kahit papaano... At ngaun eh nag-break ng sandali... Baka mamayang gabi uli ako mag-review...

Hayyy...! Thank God at may nagawa din ako ngaung araw na to kahit papaano para sa kinabukasan ko... Sana ay magtuloy-tuloy na toh... Para naman eh may aasahan akong magandang hinaharap...

*** END ***

posted by kd @ 5:27 PM