entries links
credits links tagboard
archives me & etc
links
Sunday, May 21, 2006

Last review session na namin for our UPCAT review... Haaayyy... Parang kailan lang nagsimula tapos ngayon eh tapos na... Marami din naman akong mga bagay na ma-mimiss sa review... Ung mga modules, facilitators, mentors, and others... Ok na tama na... Bavk to the review...

Ang subject namin ay ang Reading Comprehension at Mathematics... Unang subject namin na pinag-aralan eh ang Reading Comprehension... At ang teacher namin dun ay ang aking favorite mentor... Si Ms. X ahhaha... Nickname nia un... Ang totoo niyang pangalan ay Xedric/Xedrix... Di ako sure sa spelling eh basta ganun... Well... Napakasaya pa rin pag oras nia... Hinding-hindi ka talaga ma-bobore...

Sunod naman namin na pinag-aralan ay ang Mathematics... Ung teacher namin eh ayus lang... Kahit papaano eh may matutuhan ka naman sa kanya... At natuto naman ako sa subject niya... At hanggang nagayon eh hindi ko pa rin alam ang pangalan niya... Eh andameng beses na namin siyang naging teacher sa Math... Well... Baka next tme..:)

Pagkatapos ng review session... Hindi kami nag-DotA... Wahahah... First Time ito nuh... Kasi last na nga kaya naman nanuod nalang kami ng sine... Dapat The Da Vinci Code ang panonoorin namin kahit R-18... Pero na-shock kame sa dami ng nakapila para sa tickets... Kaya naman di na namin tinuloy kasi baka sayang lang ung pinila namin tapos di rin pala kme pwede...

Kaya iba na lang ang pinanood namin... Silent Hill... Eh walang ganun sa Robinson kaya naman bumalik kame ng SM... 3:00 pa ung time... eh masyado pang maaga kaya naman kumain muna kami sa Food Court at naghintay doon ng almost one and a half hours...

Maganda naman ung movie... Di siya masyadong nakakatakot nakakagulat lang at medyo nakakadiri... Siguro kung ire-rate ko siya from 1-10 10 is the highest... Ung score ko sa kanya ay 8... Bakit...? kasi medyo bitin ung film..:( Hindi siya natapos ng maayos para sa kin... Marami pa rin akong mga tanong na hindi nasagot sa movie...

Mga 6:00 na ko nakarating sa bahay... medyo maaga pa... Pero ayos lng... Kasi pag ginbi ako eh baka di ko na mapanood ang aking favorite TV program nagyon... Ang GOKUSEN...!! Wahahah... Maganda siya... Di sya ung typical Drama na mapapanuod mo sa mga TV... Astig toh... May pagka-action, Drama, and Comedy in one... Di ko lng alam sa Love... Siguro sa mga susunod pang mga episodes kaya susubaybayan ko talaga toh..!!

*** END ***

--- Late nanaman ito kasi di ako nakapag-computer eh... masyadong busy tong PC namin...:)

posted by kd @ 12:47 AM