entries links
credits links tagboard
archives me & etc
links
Tuesday, May 02, 2006

Nag-review kame ngayon para sa UPCAT... Bale pang fifth session na namin to ngaung araw na toh... Ang subject namin ay Language Proficiency II at Mathematics (Geometry).

Una nameng ni-review ang Language Proficiency II at siya pa rin ang teacher namin (bale for the third time na yun..) ayos lng naman kasi masaya siya mag-turo at kahit papaano ay may natutuhan ako. May mga nasagot din naman ako sa subtest . Ung score ko ay... ay di ko na matandaan pero masasabi kong hindi naman ganoon kababa...


Next naman naming ginawa after ng five minutes break na binigay ni Stephanie (ang aming facilitator na "crush" ata ni Ruther at kanina niya lng rin nalaman ang pangalan) ay ung mga strategies sa pag-aaply sa UP... Masaya tong part na to at masasabi ko na ito ang pinakamasayang parte ng review ngaun. Kasi ung Facilitator ay sobrang nakakatawa..! Lagi siyang may punchline na naisisingit sa mga statements kea hindi ka mababagot at aantukin.

After naman ng "Happy Moments" ay Mathematics na... Ang pinaka ayaw kong subject sa review...! Dahil ang teacher di ko maintindihan..! Medyo magulo magturo... At lagi pang natataon na siya ang among teacher..!! At nakadadagdag pa sa ka-boringan ng klase niya ung sobrang lamig ng room..!! siguro para kang nasa loob ng refrigirator na malaki..!

12:20 - tapos na ang review..! Ang saya..! ibig sabihin nun ay oras na mag-DotA... Naging daily habit na namin toh pagkatapos ng review... Nag-lakad kami sa ilalim ng napaka-init na araw kasi tanghaling tapat para magpunta sa aming palengke... Tulad dati -ar pa rin ibig sabihin all random... Computer ang pipili ng character mo kea malas mo pag pangit ang napunta sayo... Pero di rin nagtagal un kasi lahat kame ampapanget ng nakuha... Kea nag ulitan kami ang this time -ap na as in All Pick... bahala ka ng pumili ng character mo... Pinili ko si Lion... at un ako ang naging pataba sa kanila... ahahaha... Lagi naman eh... Isang beses pa lng ako naging number 1 at un ung ginamit ko si Kardel...

Tapos ng aming DotA session ay umuwi na kme... Pero ako dumaan muna ng Robinson para bumile ng pagkain ko kasi di pa ko kumakain... ang binili ko ay ang Rice in a Box at isang Plato Wrap... At inuwi ko sa bahay nabusog naman ako at satisfied na ako dun... Pagkatapos kung kumain ay eto... Nag-cocomputer na para i-update ang blog...

*** END ***

posted by kd @ 5:21 PM