entries links
credits links tagboard
archives me & etc
links
Friday, May 05, 2006

Ngayon ay nagreview ulit kame pang-... one ... two ... three ... ah..! Sixth session na namen toh...! Ang subject namin ngayon ay ang dalawang subject na "pasakit" sa karamihan para sa mga estudyante... Eto ay ang CHEMISTRY at INTEGRATED MATHEMATICS...! Hay naku kahit ako ayaw ko sa mga subject na to... Pero depende din naman sa teacher...

Ang first subject namin kanina ay ang Chemistry... Wala akong masyadong naintindihan pero ayos lng... At least kahit papaano ay may na-pick up naman akong new knowledge... Well... Ung teacher UmmMM... masasabi kong di siya masyadong ok... Kasi naman eh para niya lang kinkausap ung sarili niya... Nakakatamad siya... Nakaka-boring...

Speaking of boring... Kanina sa Chemistry napasandal ako sa gilid ng arm chair... Parang nilalaro ko ung elbow ko in a simple manner... Nang Biglang... nadulas ang aking elbow at may dalawang nakakakita sila ay si Selna at Erika... Pati ako eh natatawa nalang sa sarili ko pag inaalala ko yun...

After ng Chemistry ay yan na ang integrated mathematics...!! May naintindihan naman ako... Natutuhan ko ang basic logarithm... na kala ko noong una ay sobrang komplikado eh yun pala madali lng siya... Yung teacher namin ay siya pa rin pero this time mas gusto ko ung pagtuturo niya... Parang mas nag-enjoy ako... Ewan ko lang kung bakit di ko rin alama ng dahila... Siguro dahil last session na namin tong may Math... Haaayyy...

Medyo maaga kaming natapos ngayong araw na ito... Kaya maaga din kaming nakapag-DotA... Hindi sumama si Selna kea naging 4 on 3 ang laban namin... Sa first game kakampi ko sina Danico at Albert... Gamit ko si Kardel at dahil dun nanalo kami at number 1 ako sa overall ranking... Second game random naman... Kakampi ko naman this game ay sina Marlo, Albert at Erika una kong nakuha ung puno na hero... di ko alam pangalan nea eh... tapos nag re-peck ako at nakuha ko si Atropos ang hero ni Albert... Sabi ko palit kami dahil alam niyang gamitin ung at dahil range ung hero na nakuha niya... Kea naman ang ginamit ko ay si Witch Doctor... First tym kong gamitin un... Kea di ko pa masyadong alam ang build niya at skills... Pero sa awa ng diyos ay nanalo pa rin kami, kahit na lagi kaming pinapatay ng mga kakampi naming mga migthy spellcasters...

After ng dalawang game ng DotA ay umuwi na kame... Pero ako as usual di agad umuwi bumila muna ako ng lunch ko... Bumili uli ako ng Rice in a box... Pero di na ko bumili ng Plato Wrap... Chicharon nalang ang bili ko... Kinain ko un kasama ung rice in a box... Nalaman ko na gumagawa pala sila ng isang kakaibang kombinasyon... Masarap siya para sa kin... Di ko lang alam kung magugustuhan ng iba... Tapos nun di pa ko nag-paawat... pag-dating ko merong isang box ng donut at kinakain ko un ngaun habang ginagawa ko ang entry na ito... Sige uubusin ko na muna ito... at malapit na rin mag Gokusen...

*** END ***

posted by kd @ 5:17 PM