entries links
credits links tagboard
archives me & etc
links
Wednesday, May 10, 2006

Tuesday... Another review session... Ang subject naman namin ngayon ay Filipino at Physics... Ayos lang sana ung Filipino pero masaklap ung Physics... Clueless talaga ako dun...!! Kakainis...

Una naming subject na ni-review ay ang Filipino... Hahaha... Ang saya ng teacher... Parang T.Ferl na may T.Noel... Ang dami mo talagang matututuhan sa kanya... Bulgaran pa siya kung mag-mura grabe... Nakakatuwa... Sana nga eh nag-Filipino na lang kame buong araw... Sa test naman ay satisfied na ako sa score ko na 45/60... Correct minus wrong kasi pero kung walang ganun eh dapat 48 ako... Pero ayos lng...

Susunod naman ay ang Physics... Damn...! Wala akong kaalam-alam sa subject na to..! Ung teacher eh aus lang naman kung magturo... Nagturo na siya dati di ko lang alam kung anong subject its either math or science... Kahit katiting eh may natutuhan ako... Sa test?? hmmm... Grabe..! Wala akong naisagot kahit isa...! Pero sa awa ng Diyos eh sa recitation eh tama naman lahat ng sagot ko...

Mga 12:30 na rin natapos ung review and that means na its DotA time na...! Hindi sumama si Danico at Bambi ngaun ewan ko kung bakit... Pero may pumalit si Borgonia... Bale 7 kami lahat so 3 on 4 ang laban... Kakampi ko sina Albert, Selna at Borgonia... Kalaban namin sina Erika, Ivan, at Marlo... Buti naman eh nanalo kami... Ako ng pala ung number one sa over-all ranking... Wahahaha... Gamit ko kasi si Kardel... Ewan ko ba kung iba ung gamit ko eh lagi akong nasa dulo... Pag si Kardel naman eh... lagi akong first... Haayyy... Siguro talagang mas komportable lang talaga ako kay Kardel...

After namin mag-DotA eh.. Kumain muna kami sa Chowking... Doon sa Mall sa tapat ng aming palengke... Ung in-order ko ay Choa Fan with toppings na dumplings... Ganun din sa iba... maliban kina Erika at Selna kasi nag-halo-halo sila... Pati ung Jamacian Patty... Mga 3:20 na rin kami umalis doon kasi nag-kwentuhan pa kami at nag-asaran... Wahahahah...!

Mga 4:00 na ko dumating sa bahay...

*** END ***

----- Late to ng one day kasi di ako maka-connect kahapon eh... kea ngayon na lng...

posted by kd @ 11:35 AM