entries links
credits links tagboard
archives me & etc
links
Monday, December 04, 2006

Wahehehe... Masasabi kong masaya ang araw na ito... Maraming mga nangyari.. wahahha... Actually di ko alam kung saan magsisimula eh... hmmm... sige sa pagising ko na lng...

Maaga ako ngising di ko alam kung bakit.. Siguro kasi ayokong malate sa araw na toh... Sucessful naman ako na di ako na late maaga than usual ung aking pagdating... 7:00 am ahaha di ba ang aga.. Normal ko kasing dating eh 7:10 or later... wahahahah... Tpos nung flag ceremony expected ko na na after nun eh mag dadarandandan si rosa kea planado na kung ano ang mgiging reaction ko... Siyempre ndi pahalata naki ride ako sa kanya.. wahaha.. nakikanta din and the like... pero sa huli eh nalaman pa rin nila...

Masaya naman ung umaga ko... nakapasa ako sa CL na inaasahan ko na babagsak ako... Di ako masyadong na stress dahil maayos ang naging daloy hahha... Maliban sa isang subject na kahit kailan naman eh di nakakatuwa... Hmmm... Cyempre di ba wala ng iba kundi ang FILIPINO wahahha... Grabe pero aus na un kasi nagsulat kami... mas gusto na un keysa "magDISCUSS?!?" siya... wahahha... Ang problema nga lng sa pinasulat nea eh masyadong mahaba kea nakakainis pa rin.. Haaayzzz... Pero kapalit naman nun eh isang mataas na score sa english... Naka 43 over 50 ata ako... masaya na ko dun noh.. mbaba lng naman ang aking kaligayahan...

Ayan after ng mga morning subjects eh afternoon na.. (syempre..!!) Expected ko na na bagsak ako sa Math kea ng makita ko ang aking score eh accpted ko kaagad.. kasi naman wala naman akong kaalam alam sa mga lecheng DERIVATIVES na yan noh... Kea aus lng na bumagsak ako.. Pero cympre babawi ako.. sa mga requirements na di kailngan ng computation para naman kahit papaano eh di ako ma line of 7 na pina ayoko.. Ung drafting naman namin eh masaya... Medyo komedyante si karen ngaun eh.. kea di masyadong stressful.. tapos nagkaroon pa kami ng game... wahahah... akalain mong naka perect kmi... halos wala nga akong ngawa dun eh.. kasi naman di ko na maintindihan ang drawing puro na lines... kea nag ginawa ko eh inayos ko na lng.. Binold ko na lng ang figure namin and they did the rest...

Yan uwian na ang pinakahihintay namin.. ahaha sino ba naman ang ayaw nun di ba?? pero di pa ko kaagad umuwi.. nagstay muna kami sa labas ng room.. wahahah.. Kasama ko sina Ahren, Rosa, Arianne, at Jehan... gumagawa sila ng sulatin sa filipino kasi di pa nila tapos sa haba ng mga entry nila... kawawa nga sila eh.. wahahha.. habang nagsusulat sila eh... pinagkwekwentuhan nila ang Princess Hours grabe OP ako.. nyahahaha... Pero noong matapos sila eh di pa kami kaagad umuwi.. ay di pa pala... nagstay ulit kami sa covered court... Tapos ang aking apat na kasama eh may mga kahihiyang ginagawa ako nga ang nahihiya sa kanila eh... Akalain mong kumanta ng korean ng papa bear, mama bear ung sa full house... grabe pinagtitinginan na nga kame ng mga ngdadaan ako nga ng nahihiya sa kanila weh... pero buti na lng eh dumating na sla Migs na galing SEV AP office.. haha.. may kasama na akong mahiya para sa knila.. nyahahha... Pero imbis na tumigil na sila eh.. lalo pa silang nagwala... akalain mong tumayo pa sila at ginawa with actions.. Ngayon napagtripan ni migs na videohan for documentation daw... hahha... grabe nakailang takes sila at ung mga tao eh sila na ang pinapanood...!! kame na nga ang nahihiya sa kanila eh... Haaysss.. pero nakakatuwa sila... Kea sbi ni migs na pagprctisn nila un kasi gagawin nila as an intermission number sa aming bonding day... Ayun kinareer nag nila lalo na at nandun pa si rosa na isa sa mga tinaguriang karir woman... I wonder kung anong itsura ng presentation nila bukas?? after nilng ikahiya ang kanilang mga sarili.. wahaha.. ayan nanaman ang di matapos tapos na kwentuhan sa mga koreanovela... eh di as usual OP nanaman ako.. kasi di ako mahilig dun eh.. pero sila kilig na kilig... Di pa sana kami aalis kea lng kelangan na pinapalayas na kami ng gurad... hihintayin pa sana namin sina migs at ruther para sabay sabay na pero gabi na talaga e... Tapos nun di pa rin kami umuwi... nag jolibee muna kami.. kasi gutom na kami eh... Naisipan ko din na bilhin sila ng meat pie.. at zert pea ka rosa... Siguro as a tha nk you kasi ang say ng araw na ito... Di nga nila expected na lilibre ko sila eh.. kasi di ako ung tipo ng tao na nanglilibre.. kuripot kasi ako eh... grabe nung dumating ung pies natapon pa ung coke nila.... Napasigaw tuloy si rosa at nagtinginan ang laht ng tao sa jolibee sa min... yun bigla kaming nathimik at tumawa na lng.. hahaha... buti nalng may tray at di masyadong tumapon.. nasalo kasi ng tray eh... 6:35 na ng makaalis kami sa jolibee at tuluyan ng naghiwahiwalay para umuwi na... at doon nagtatapos ang isang bahagi ng aking adventures ngayon araw na ito... Meron pang isang major pero unti lng ang nakakaalam nun eh.. wahahha... Ayoko rin isulat kasi ang panget niayahahaha.... kung gusto mo eh tanungin mo nalng ako... para masaya...

yan nakauwi din ako sa bahay ng mga 7:00pm... kea ito nakakapagupdate naafter magpahinga.. sige kakain pa ko ng ice cream wahahha... bye bye till next post...^^,

posted by kd @ 7:42 PM