entries links
credits links tagboard
archives me & etc
links
Friday, April 13, 2007

Two weeks na rin pala since I bid my last farewells and goodbyes to my dear high school life. Maraming mga alaala akong naipon na pwede kong i-treasure for the rest of my life. I'll never forget such a wonderful happening into my life.

June 5, 2006

First day ng aking fourth year life bagong taon, bagong klasmeyts, bagong karanasan. May hang over pa ko dito ng aking masaya rin Third Year. Lagi ko naman itong nararamdaman on the first day of each school year. Di maiiwasan mai-compare yung past dito sa present. Noong una kala ko talaga eh napaka boring, korni, nonsense, at malungkot sa section ko na ito na MAGSAYSAY. kasi naman na feel ko masayado nang nasala ang mga tao doon at lahat ay puro aral aral at aral lang ang alam. di gaya ng Gomez na dati na sobrang gulo at enjoyable.

Pero habang dumaan ung mga panahon na feel ko na lng waw masaya pala dito. Ung mga first impressions ko sa section na ito ay bumaligtad. Sa
tulong na rin nito ng aming first "class bonding" ang ILIAD. Isa ito sa mga nangyari sa kin na never kong kakalimutan o ipagpapalit. Dahil dito mas nakilala namin ung isa't isa at pati na rin ung mga sarili namin. Maraming mga pagsubok na nangyari habang nag rerehearse kami ng mga scenes. Nagkaroon ng mga alitan, tampuhan, at iyakan. Idagdag mo pa ung mga pang gigipit ni T.Jinky-doo. lagi niya na lng kami sinisita kaya na feel tuloy namin na ginagawa niya yun kasi ayaw niyang mahigitan namin ung kanyang section. Pasensya na sa mga Quezon na makakabasa nito pero un talaga ung nafifeel namin. Pero dahil sa mga pagsubok na ito mas naging matatag ang aming pagsasamahan. Natapos rin ang Iliad matapos ang napakahaba at nakakapagod na practices. Pero it paid-off naman kasi humakot kami ng mga awards. kaya proud na proud sa amin si T. mario ang aming butihing guardian.

Haayy madame pa sana akong gustong sbihin tungkol sa Iliad na pero kelangan ko na mag move sa susunod.

Next time na lng pag sinipag ako.
eto na ung next na hinding-hindi ko malilimutan ay ung retreat. Nagkaroon ako ng chnce na mas makilala pa ang aking mga klasmeyt na sin Anna, Joselle, Miguel, Arlae, Arianne, at Jehan. Dahil naging ka-grupo ko sila sa aming mga sharing. Madami silang nakwento tungkol sa mga karanasan, problema, at hinagpis nila sa buhay. Masaya talaga. Pero nakakalungkot dahil di ko naibigay ung full participation ko kasi di
talaga ako makwento mas more of a listener lang talaga ako. Secretive, thats me. Kaya group mates pasensya na.

Sunod naman eh ung aming english jingle na "Be the One". Amazingly two days lang namin nagawa ung jingle super cram dahil sa napakaraming activities. kaya naman right after ng retreat doon lng kami nagkaroon ng chance na ma-accomplish ung activity. pero kahit ganoon nag-shine ulit kami kasi kami ang nanalo in the whole high school department. Nakakatuwa talaga. Hangang ngayon ay nagpeplay pa rin ung melody nun sa aking utak, kasi super unforgettable talag nun. Hayy grabe.

Next in line eh ung foundation day practices. Hindi ko rin siya makakalimutan dahil dahil dito na-enhance ung ability kong sumayaw. yeah. haha, kahit di ako magaling eh ginawa ko ung best ko para di magmukhang tanga habang nagsasayaw.

Next na ung Christmas Party one of the most unforgettable talaga to. Hindi dahil sa mga magagandang memories, pati na rin dahil sa isang
napakasamang dilemma na dumating. Isang delubyo. Isang malaking nakawan ang nangyari. Isa sa aming mga klasmeyts (hmm kilala neo na!) ang nagnakaw ng n90, isang samsung na pink, isa pang nokia phone, recharchagable batteries, at USB flash disk. Bigtime ung nagnakaw noh?!? Sarap patayin grabe. natapos nalang ung taon eh di pa siya umamin hay nakow naman talaga.

Cyempre itong next event na ito ung di talaga pwedeng kalimutan ang SENIORS PROM..:( kasi naman maganda na sana ung venue kea lang super bitin! Panget pa ung mga pagkakasunod sunod ng mga songs. Tapos ang masaklap pa eh ung last dance song ay Buttercup! Leche naman un. madami tuloy ung nabitin at nainis. Marami pa naman sanang magtatapat ng kanilang pag-ibig pero naudlot. nakakabadtrip un di ba.

at ang last but not the least ang di ko madescribe na Graduation. Mixed emotions kasi ung nararamdaman ko. Pero nangunguna ung pagkalungkot. Dahil un na ung huling araw ng aming fourth year pero Magsaysay pa rin kami kahit ilang graduation pa ang dumaan. Noong grad marami talagang mga umiyak at nalungkot. Dahil siguro sa mga alaala na nabuo mahirap itong iwanan sa apat na sulok ng aming paaralan. Pero kahit ganoon alam ko naman na hindi pa iyon ang katapusan. Simula pa lamang ito.

Sa aking mga klasmeyts may mga bagay na nagpapaalala sa kin sa kanila, eto ung mga un in alphabetical order boys muna:

Abon. Mark Jay - Ung mane n tale. kasi naman tinutukso siya dun malago daw kasi ung buhok. pero kahit ganoon napakabait nitong klasmeyt kong to. Di siya madaling magalit mahaba ung pasensya nea.

Azagra, Joseph Rafael - Ang aming presidente, di ko malilimutan ung kanyang kasipagan, at pag-alala sa kanyang mga klasmeyts. napakaresponsableng tao na iniisip muna nea ung iba bago ung kanyang sarili.

Bello, Vincent Jay - Maliit pero basket ball player. Napangasar to grabe pero alam nea naman ung barriers nea, pero minsan di maiiwasan maasar ung iba naming klasmeyts dito. Heartthrob din ng lower batches kahit ganito kaliit at may boses ng palakang ipis. haha...

Bibat, Divino Orlando - kala mo sa una super ingay, gulo, bully which is true. Pero looking on his other side makikita mo ung sweetness sa kanya at pagiging maunawain sa ibang tao. Pero once na napuno to, sumasabog talaga kaya mahirap itong magalit.

Dizon, Joh Joseph - Mdalas siyang tuksuhin sa min. Ewan ko ba lagi na lng siya ung napupuna. Kahit ako minsan inaasar siya pero tumitigil din ako kasi narerealize ko na masakit din sa damdamin. Pero kahit ganoon nalang ung trato sa kanya eh mabait pa rin siya sa aming mga klasmeyts. Matulungin sa math, science, anal geom.

Efondo, Miguel Kristoffer BRIAN - Ang aming resident palm reader. malalaman nea ung special someone mo by just looking into your palms. mabait din naman tong taong to kahit papaano wahahah. Masaya katuksuhan kasi di siya mauubusan ng kung anu anung mga pang-ookray.. wahaha

Faral, Billy Joel - Isa sa mga pinakatahimik na tao sa room. Magsasalita lng to kung tatanungin mo o kea kasama niya ung mga friendly friends nea sa room. Bihira mo siyang makikitang magrecite pero pagdating sa acads mataas ung mga scores nea.

Flores, Gerald Peter - anu bang masasabi ko sa taong ito. pag may napanood tong isang palabas di ka nea titigilan sa pagkekwento. mapupurga ka na lng sa pakikinig kasi paulit ulit. ung tipong lahat na lng ng bagay na makita niya eh marerelate niya sa napanood nea. Hay basta.

Galan, John Kenneth - ang pinakamagaling sa math di lang sa room namin kundi sa buong batch. sobrang matulungin pag may di ka naiintindihan basta computation lapitan mo lng at ma-eexplain niya ito clearly at madali mong mauunawaan ung topic..

Gomez, Reinhold - mahilig siyang i-pair up sa iba naming klasmeyts. Ewan ko kung bakit wahah.. kung sa bagay may itsura naman siya kahit papaano kea ok lng. mabait din at never ko pa itong nakitang magalit o mapikon pag tinutukso. dahil kahit anong gawin mo eh ngingitian ka lng nito.

Maalihan, Raymond - Tahimik lang siya pero pag kinausap mo eh may sense. Pag inasar mo di rin papatalo aasarin ka rin nito. Pag tinitigan mo kala mo anghel pero sa totoo lng eh isa siyang little devil.. Hahahaha...

Masiglat, Ruther John - Computer Genuis. Kahit anongng tungkol sa computer eh alam. Kala mo tahimik lng siya pero pag nakilala mo eh makikilala mo ang bagong ruther na makulit at cyempre romantic.. Yikee.. hahaha.. Kala mo tahihimik lng pero may luvlife din pala.. hahha

Noche, Domingo - Magaling sa science. Sobrang magulo maingay mapangasar. Dun siya nakilala ng aming mga teachers. stand out talaga siya pagdating dun walang kapalit, lalo na pag nagsama sila ni Divino. Aww kawawa naman ung biktima nila.

Ramos, John Oliver - No comment..

Reyes, Orland Louie - Ang pinakamaliit naming klasmeyt. Tawag nila eh BUNSOY. hehe bagay naman eh. Magulo din ito minsan minsan naman mabait din. Matulungin sa mga bagay bagay na kailangan mo ng tulong.

Sta. Maria, Danico - Bigatin hahha... Pinakamalaki sa room namin. Super lakas mang-asar favorite victim sa Jana. inaasar nea tong baboy parang siya endi.. tanggap nea na naman daw eh. pero kahit ganito siya marami daw nagkakacrush sa kanya di ko lng kilala.

Villones, Ding Jerrel - Ang aming taga-abono whenever may kulang na babayaran. Nakakawa din siya minsan pag nangongoloekta kasi may mga klasmeyt kami na mahirap singilin. kea tuloy pag kulang eh inaabonohgan nea na lng tapos d na ata nababayaran sa kanya eh.

Abella, Ana Dominique - Isa sa aming mga leaders. magaling siya magmotivate. Super makwento din siya at madami siyang mga bagay na maisheshare sa iyo at kapupulutan ng aral. Magaling din siya magkwento ng el fili. Kaya pag di ka nakapagaral eh lapit lng sa kanya at kekwentuhan ka nito.

Alindogan, Alyssa - Super tahimik ng taong to. Bihira lng ito magingay pero pag nag-ingay eh todo todo. Super bait din at mapagbigay. She's willing to help you whenever you need her.

Alvarez, Allysa Lou - Boses bata. Super din mangasar hilig niyang asarin si domeng. Pero masasabi ko na madalas siyang talo haha.. Un lng naman ung na-oobserbahan ko. Maingay din to pag nakadaldalan mo. Pero masipag siya sobra. Madalas ko siyang makitang nagkukumpleto ng lectures pag walang gingawa.

Aquino, Angeline Sarah - Isang sabog na tao. Haha Pero masaya kasama. Mahilig siyang magcomment na minsan eh sobrang layo na kaya naman lagi siyang inaasar ni danico. Pero nakakatawa ung mga comments nea kea aus lng.

Austria, Amherstia - Isang tao na lagi na lng umiiyak dahil sa estado ng kanyang lablayf. lagi silang nagaaway ng kanyang boyfrend pero kahit ganoon eh naaus nila ito at nagsasama pa rin sila ng mapayapa.

Bugaoisan, Joanne - Mahilig mang-asar. Pag inasar mo eh di siya papatalo. Di ka nea sasantahin pagdating doon. Kaya mag-iingat kau.. hahah.. wala na kong masabi anu ba to..

Ching, Kryzl - Artist. Master sa pagdodrawing and art and stuff. Un nga lang madalas mag-absent. Sakitin ata siya eh o may problem ah ewan. Tahimik din tong taong to, minsan lng magingay. mabait at matulungin siya sobra.

Clarete, Arianne - Ang aking favorite! Favorite asarin. haha, Lagi ko na lng siyang inaasar sa utos ng aking mga klasmeyt na sina AJ at migelito. Di naman ako tumatanggi kasi masarap siyang asarasarin. hahah.

Cruz, Janadale - Favorite naman tong asarin ni danico haha.. madalas siyang umiiyak dahil dun lagi kasi siyang talo eh. Pero napakabait ng taong ito. marami siyang mga bagay na makwekwento syo.

Delos Reyes, Joselle Anne - Corpse Commander. Sa unang tingin kala mo sobrang iritable pero pag nakilala mo siya marerealize mo na mabait siya. Mahilig siyang magbigay ng mga comments na minsan ay tama pero di nea lng ito mai-voice out. Maybe because she is thinking na baka mapahiya lng siya.

Destreza, Maxine Maye - Maraming lablayf sa loob at labas ng room. maraming mga lalaki ang nagkakagusto dito. pero khit ganoon eh free pa rin siya. Di niya rin kinakalimutan ang kanyang pag-aaral. Mabait din at fun to be with. Super makwento caring and sweet din. Kea swerte mapapangasawa nito.. hahah..

Domingo, Angelica - super kulit na bata. Masarap din siya kasama, di siya mahirap pakisamahan. minsan may pag kaweird pero natatawa na lng ako.

Gabito, Jessica - Mahilig siyang asarin. minsan naaasar din. Pero madalas di nman. Mahaba nga ang pasensya ng babaeng ito. Minsan lang siya magalit sa isang tao. Di siya nagagalit sa maliliit na bagay lng. Pero pag lumaki na to sasabog na rin siya.

Laranang, Arlae - Mahilig din siyang asarin na black dahil sa complexion na. Pero aus lng naman sa kanya un. Di siya naaasar dun. pero pag tinawag mo siyang JOBERT na pauso ni AJ ay nakow magkakaroon ng gera hahah..

Maleficio, Adrienne - Mahilig niyang asarin si Arlae. Masaya din siya kasama lalo na pag nakikipagasaran. minsan ay madalas pala tag team kami nito sa pangaasar lalo na kay arianne hahah.. Si arianne naman as usual laging talo. Kea in the end lagi na lng kami tumatawa nito.

Maturan, Jehan - hmm.. One of my close freinds not only in magsay but throughout my highschool life. Grade six kami ng maging klasmeyt. She is fun to be with at nanglilibre madalas. hahaha.. Minsan kahit joke lng tinototoo kea masaya haha..

Melencio, Rochelle - Si chocolate gurl. mahilig siyang magtinda ng chocolate at mahilig din cyang mag ice sikating. inaasar ako nina migelito dito. haha pero di naman nila ako naasar.. kasi di naman totoo di ba.

Melencio, Rosa - Isa sa mga pinakacreative sa room. Gusto nea lahat ng works nea ay maganda at best for her. kaya naman dahil dun eh lagi siyang na lelate sa pagpapasa na kung minsan ay di niya na ito napapasa. pero kung sa totoo lng pag napasa nea lahat ng requirements nea may malaking possibility na ma top to. magaling talaga kasi siya.

Montoya, Joanna - Mabait na klasmeyt. Mapagbigay at magaling din. She is willing to help you whenever she can. kahit saan pang problema yan sa acads o personal maasahan mo siya.

Obnamia, Erica - Super tahimik na bata. Pero pag nakausap mo marami siyang maidadaldal sa iyo. Matutuwa ka sa kanya. kala mo sa una eh masungit dahil sa kanyang dating pero sa totoo magulo to at mabait.

Palac, Anna - malufet sa mag motivate, galing mag lead, at da best sa acads. Multi talented person ito. Mapagsasabaysabay nea ung mga extra curricular activities nea at acads. Though di na cya masyadong nageexcell ngun like dati di nman siya bumabagsak. At sa totoo lng mas maganda ung ganitong anna keysa dati na pro aral. ngaun natutuo na syang mag laro ng computer games haha DOTA.. balita ko malakas na daw siya eh.

Rendon, Michelle - Ang taong laging wala sa room. Haha lagi siyang tumatambay sa labas kahit may klase. pero nakecarry nea naman eh. Kahit wala siya eh d naman siya bumabagsak sa aking pagkakaalam. Makwento din siya mavait. Mahilig magtext kahit exams. Kea kung kelangan mo ng textmate text mo lng siya.

Rosales, Karen - palabang tao sa magsay. Willing to risk her life basta alam nea na nasa tama siya. un nga lng minsan eh nahihiya siyang mag voice out. Pero pag sumabog na siya eh hmm magready ka na kasi di ka nito tatantanan. pero kahit ganon siya napakabait naman nea. Caring din.

Velasquez, Ahren - Ang isa sa aming hearthrob. maraming nagkakagusto dito. sa klasrum pa nga lang eh pinagaagawan na na siya. panu pa kea sa labas. Di naman kasi maikakaila ung kanyang kagandahan eh, isa siyang perfect image ng beauty and brains at samahan mo pa ng heart. kasi sobrang bait niya at mapagbigay.

At cyempre si..

Esperanza, Mariano - ang aming napakalaking adviser. na kung gaano siya kalaki physically eh ganun din kalaki ang puso niya. Never pa siyang nagalit sa min. tampo oo. pero whenever na na feel na namin un eh gumagawa na kami ng paraan na maaus un para di na lumaki. Marami siyang mga bagay na naituro sa min. Never nea kamuing inwan sa ere ng nagiisa sa bawat pagsubok namin lago siyang nandun para masandalan.

Un na lahat ng aking mga klasmeyt. hinding hindi ko talaga sila makakalimutan o ipagpapalit. Dahil bawat isa sa kanila ay di lng tumatak kundi naging bahagi na ng buhay ko. forever na sila sa aking puso at isipan. alam ko di pa ito ang huli marami png susunod na pagkikita. Sana walng kalimutan dahil ganoon ako...

Sobrang ma mimiss ko talaga kau. ung mga bonding moments natin.

halakhakan.

bungisngisan.

tawanan.

sapakan.

asaran.

tampuhan.

iyakan.

gera.

lahat un ay naranasan natin ng sabay sabay. sabay sabay din nating iniwan. sana ay sabay sabay din nating aalalahanin.

Bye.. I'll miss you.. I will really do...

posted by kd @ 9:16 PM